Mapanuring Paggamit ng Gadget: Tungo sa Mapagkalingang Ugnayan sa Pamilya at Kapwa
Alam nating lahat, sa panahon ngayon halos lahat na ay ginagamitan ng teknolohiya. Tayo na ay nabubuhay sa makabagong henerasyon kung saan iilan nalang ang gumagawa sa mga kasanayan noon. Hindi natin maitatanggi na ang teknolohiya ay may mabuting maidudulot satin, at kung merong mabuti meron ding masama.
Ang mga gadget tulad ng cellphone, laptop at iba pa ay may maraming tulong sa tao. Dito tayo gumagawa ng mga takdang aralin, mga reports at iba pa. Minsan ginagamit din natin ito para sa kumonikasyon. Sa tulong ng internet napapalawak ang mga gamit nito. Totoong pinagu-ugnay ng gadget ang pamilya at sa kapwa dahil, nakakapag-usap sila gamit ito kahit nasa ibang bansa ka pa. Pinag-uugnay kayo ng pamilya mo dahil pwede kayong magusap-usap bg buong angkan niyo dahil sa tulong ng messenger. Pwede kayong magtawagan o mag-text.
Pero dahil sa sobrang paggamit nito, napapalayo na ang mga bata sa realidad, pamilya at sa ibang bata. Dahil sa paggamit nito nagkukulong nalang sila sa kwarto at halos hindi na maiinitan. Sinusuway na nila ang kanilang magulang at mas inuuna ang paglalaro nito.
Pero alam na natin na may mabuti at masamang dulot ng gadget o teknolohiya pero responsibilidad na natin na nakatatanda para pangaralan sila upang hindi sila lamunin nito.
REFERENCE: https://image.slidesharecdn.com/edukasyon-150823134553-lva1-app6892/95/edukasyon-sa-pagpapakatao-1-638.jpg?cb=1440337596
http://cdn.shopify.com/s/files/1/0513/2409/files/gadgets_time_01.jpeg?v=1497403238
Comments
Post a Comment