FILIPINO: WIKA NG SALIKSIK
Filipino, ang wika ng saliksik. Ano nga ba ang wikang filipino at bakit ito mahalaga? Ang wikang filipino ay ang rumerepresenta sa ating bansa, ang Pilipinas. Ito rin ang nagbubuklod buklod sa mga tao at ginagamit ito upang makipagtalastasan. Kaya't ito'y napakahalaga sa atin
Ngayon, bakit tinagurian na wikang filipino ang wika ng saliksik? Sa aking palagay ang wikang ito ay mainam na instrumento o gamitin sa mahusay na pagsasaliksik. Isa rin sa tingin ko na pwedeng maging dahilan kung bakit wikang filipino ang wika ng saliksik dahil malawak at mainam ito sa pagsasaliksik. Karamihan sa mga salita ay mabababaw lamang, iilan lang ang malalim kaya't madali itong maunawaan. Ang layunin ng tema buwan ng wika sa taong 2018 ay ang palawakin ang paggamit sa wikang filipino, hindi lang sa pakikipagtalastasan kundi gamitin rin ito sa pagsasaliksik ng kung ano-ano. Hinihikayat nito ang mga tao na muling gamitin at paunlarin ang ating wika, ang wikang filipino.
Sa bandang huli, ang pinaka layunin ng tema ay ang payabongin ang ating sariling wika dahil ito ay permanente na sa ating kulturang mga pilipino. Kaya't ating paunlarin at payabungin.
REFERENCE: http://www.1bataan.com/wp-content/uploads/2018/07/KWF-CAPTION.jpg
Maaari! Ang pambansang wika talaga ang "kaluluwa" ng bansa kaya dapat natin itong tangkilikin at mahalin. +++ Ipinagmamalaki kita Andrei!!
ReplyDelete